May 28, 2010

Sino ka ba talaga?

May mga taong kahit na mahalaga ka sa kanila, hindi mo alam binabackstab ka na pala. Hindi ako galit. Ayaw ko sanang magtampo, pero matinding awa nararamdaman ko para sayo, kase parang ayaw mo akong sumaya. Keri lang. Hindi ko alam kung paano mo nasisikmura na tratuhin ako o kame ng ganyan. Bakit sa dinami dami ng tao ako pa? Ako pa bang mula bata tayo hindi ka iniwan kahit walang wala ako. Ngayong meron ako, onteng saya lang gusto kong maramdaman, pilit mong hinaharangan? Alam ko naman na hindi kame para sa isa't isa. Hindi ko naman kinakarir tong eksena na to. Pero sadyang dumadating ang panahon na napapasaya din naman ako neto. Kung bale ba para sayo e nakakainis na kase bakit ganun ang buhay ko, kung bakit kahit na sobrang kumplikado e nakikita nyo akong nakangiti at puno ng pagmamahal sa puso, bakit ba hindi ka nalang maging masaya para sakin? Kahit alam kong panandalian lamang ito. Hindi ko tinapakan ang kahit sino sa inyo. Sana intindihin nyo ako paminsanan lang. Wala akong ibang sinisisi na kung bakit nagkaganito ang buhay ko, e dahil din sa sarili ko. Ako pumili neto, so ako ang maghandle at humarap sa kung anong problema neto.

OO nagrereklamo ako paminsan. Kase para ipaalala sayo na tao lang din ako. Napapagod at nasasaktan. Nagrarant pero di umaabot sa tulad ng ginagawa mo. Sana baguhin mo yang ugali mo na parati kong sinasabi sayo. Mahalin mo ang mga natitirang taong nagmamahal sayo. Hindi sa lahat ng oras iintindihin ka ng lahat. Hindi ako nagsasawa sa pakikinig sayo, pero minsan sana magpaubaya ka, kahit wag nalang para saken. Para nalang sa kanya. Kase oo, mahal ko siya.