Feb 2, 2009

ungguy ka!

Me: Umalis na ba kayo kanina, paguwi ko?
Some Dude: Ang ganda mo kanina... shinare ko lang..
Me: Ayus ah! wrong window boi? sabi ko umalis na ba kayo nung umuwi nako?
Some Dude: Ay ako oo umuwi nadin. Sila nagstay pa. Sabi ko nga ang ganda mo kanina. Para sayo tlg yun.
Me: Ayun. mapangbola ka tlg no. Baka maniwala ako tanga!
Some Dude: Wow ka kase e. Kala mo lagi kitang binobola.
Me: Hay nako. tinext nga kita kahapon, kase napanaginipan kita e.
Some Dude: Un. tlga? siguro nga yayain kita magdate kaya nangyayari yan.
Me: LOL. wag ka na. Baka umasa ako tanga!
Some Dude: Ang taas mo kase masyado e. Baka di kita maplease. Di kita maabot.
Me: Wow ako pa tong mataas. Di ba maabot ung natambay sa tindahan kasama nyo, isang biskwit at isang pop, samahan mo ng sang marlboro lights, solb an araw ko. Un ba ang di maabot? Siguro dahil kapatid lang talaga tingin mo saken boi. Pero if yan ang nararamdaman mo. I wont take it personally.
Some Dude: Hehe
Me: Un sabay hehe nalang nasagot mo.
Some Dude: Natulala kase ako sa sinabi mo.
Me: Wag nating ipilit kung hindi naman tlg. masaya naman ako ng ganto e.
Some Dude: Basta pag nagkawork ako. Susubukan kita!
Me: =)) un ikaw pa sumubok e no. dun ako natawa. LOL Tado ka lang! ako pa mahihiya no?
Some Dude: Di. Seryoso nga. muntik nga ako mainlove sayo kanina e.
Me: Haha!
Some Dude: Un sabay haha nalang din sagot mo!
Me: E anu ba dapat?

Biset!

Kung ikaw e nanligaw dati pa. edi sana tayo na. magulo utak mo e. tapos papatulan ko pa. edi ano pa nangyari saten nun. baka gaguhan nalang, ganun. di naman ako naghahanap ng seryosohan sa ngayon. siguro tamang gusto ko lang maramdaman ung pagcacare ng isang tao sa oras na kelangan ko. ung pwedeng makatext ko. makausap ko any time na gusto ko. ikaw sana un. kaso may mga doubts ka na hindi ko alam kelan pa nagsimula yang doubt na yan. ano yan, dahil ba sabi mo, naaawa ka saking nakikita mokong ganto. na sayang ako kase baka naghihintay ako sa wala. nanghihinayang ka ba dahil sana ako ang nasa piling mo, o tamang naaawa ka, dahil tinuturing mokong tunay na kaibigan mo.

Minsan naiisip ko, tama ba sila dahil sabi nila swerte ni O n i e na andito ako para sa knya. So ano ako? Malas? dahil sya pinili kong hintayin? dahil sya pinili kong mahalin? E kung hindi ako maghihintay ngayon, meron bang ibang dadating? napakahirap magrisk na baka ako lang din naman tumanda magisa. na baka magmistula rin ako kawawa at magluksa. Siguro mabuti na tong may hinhintay kahit di siguradong may hinihintay. Kinabubuti nito kase, nararamdaman ko kahit papano, ung pakiramdam na gusto kong maramdaman kahit isang beses lang sa isang linggo. sabihin nyo ng tanga ako. mababaw ako. mababaw ba ang pagkakaintindi ko sa pagibig kung ganun? hindi ko alam. pero un minsan ang hinihiling ko. ang meron makasama sa oras ng pagiisa. Nde madali ung ganto na sa bawat oras ng buhay ko e nagiisa at kadamay ko sarili ko. mabuti pamg naging lalake nalang siguro ako. mas madali siguro magcope up sa sitwasyong ganto. Kung lalaki ako. andami kong gustong ligawan. LOL. kase alam ko kung sino ung matitinong babae na dapat siniseryoso at di ginagago. Madami sa mga kaibigan ko. Kung lalaki ako. Liligawan ko sila. or paparamdam ko kung pano atleast sumaya. Mas madali siguro kung ganun no? Kase alam ko kung ano ung pakiramdam nila bawat isa. Alam ko kung pano iplease ang babae, tulad ng gusto kong gawin saken. Madali kung ganun. Sana nga naging lalake nalang ako. Kung nagkataon. Liligawan ko sarili ko!

LOL bakit hinde?

Taena! Walang kwentang post! Nyeta

Sige ano? pagtapos ng YM natin kagabi hanggang 3:00am, ngayon magtetext ka kung nakauwi nako.

Please wag moko pahirapan. Wag kang maggaganyan. Akala mo nakakatulong ka. Pinapagod mo lang ang puso ko sa pag asa. Katangahan ko, mistula naman kase akong umaasa. :(