Aug 25, 2009

walang title


Birthday mo na pala sa Thursday.. Tama ba? sa Thursday nga ba? OO sa Thursday nga. Na hindi ko alam kung icecelebrate natin o ano? Magleleave bako? Kelangan mo pa ba ako? Nalulugkot ka rin ba ng todo. Madalas daw akong magsalita habang natutulog, sabi ng utol ko.. Di ko alam ang ibig sabihin nun, pero ayun.. Pakiramdam ko, dahil to sa pagulila ko sayo. Ang tagal na kitang hinihintay.. Araw araw nalang ako nag
gogoodmorning at naggogoodnight sa hangin at kawalan, wala namang naggogoodnight back. Ayokong isipin, masasanay din ako ng bongga, kase ayokong masanay sa kalungkutan. Ilang birthdays pa nga ba? Ilang okasyon pa na wala ka? Miss na miss na kita.

Mukang uulan ng malakas, malakas ung kulog e. Nadadama ko rin sa init ng paligid. Uulan nga siguro. Dinadagdagan pa ng panahon ang lungkot ko. malapit na ang Thursday. Nakakainis, nakakuha ako ng notification from friendster na malapit na nga daw bday mo. Kung alam lang nila na ayoko na munang maalala yan. May iilang kaibigan mo ang nagtetext na saken. Happy bday daw. ano daw plano ko? Sa totoo lang. Naubos na ata ang kasweetan ko. wala akong maisip sa ngayon, kase alam ko na kahit ikaw ayaw mo ng icelebrate ang araw na yan. Hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat maramdaman. pero i feel so down. really really down.

Magbibirthday ka nanaman. Magbillirads manlang sana tayo no? o kaya magcelebrate sa hotel ng tayong dalawa lang. Ang sweet. Ang romantic. Kung pwede nga sana, magbora tayo. Gusto kong bumalik ng bora, pero sana ikaw na ang kasama ko.. Mga 2 linggo. Solb na solb nako.

Kung alam lang ng tadhana, kung gaano ako kasabik sayo. Kung alam lang ng tadhana, kung gano ako nangungulila sayo.. Kung kaya ko lang ipaalam o isigaw kung gaano ako nahihirapan o nasasaktan dahil wala ka. Siguro maaawa ang tadhana at ibabalik ka saken. Pero hindi ganon kadali ang buhay.. Hindi pwedeng isang sigaw lang, anjan na gusto mo. Hindi to resto na para bang isang order, ilang minuto, ayan na ung pagkaing hiniling mo.. kung mabibili ko lang ang lahat. Kung mabibili ko ang kaligayahan, kung mabibili ko ang batas, kung mabibili ko ang tadhana... Gagawin ko ang lahat, mapagipunan lang yan..

Babalik nako sapagkaidle ko next week. Masaya na malungkot. pero isa lang ang alam ko.. Makakatulog nako (or hindi paren). Pero sana sa pagtulog ko, kasama na kita sa tabi ko..

Miss na miss na kita..
Bisitahin mo naman ako dito.. (or baka sige ako nalang bibista sayo)