May 7, 2009

Dahil dito

... lumambot ang puso ko. Naisip ko bigla, kamusta ka na kaya? matagal tagal rin akong galit sayo. matagal ko narin tinatanggal ka sa isip ko. Ayoko kaseng palagi nalang ganto. Ayoko kaseng paulit ulit na mangyari to, pareho naman na tayong sawa. Alam kong hindi mo gusto to. Pero ginusto ko ba to? Yun lang. Dineneny ko lang, na lagi ka namang nasa isip ko. Hindi man ako magreply, alam mo naman ang sagot ko. Mahal parin kita, lagi namang ganon, wala naman laging nagbabago. Gusto na kita makita.

Pasalamat ka, kahawig mo si Chito. Pasalamat ka, inlove ako sa boses nya. Napangiti ako ng narinig ko ang kantang to. Una ngumiti, sunod nimamnam ko ang lyrics, basahin mo para kilabutan ka. Ang galing lang ni Chito, alam nya kung ano gusto mong sabihin saken. Syang sya ung lyrics e. Tagos sa laman ko. Simple pero damang dama ko.

Pasalamat ka kay Chito. Pinapatawad na kita. Pero di ko paren nakakalimutan ginawa mo. At hindi paren ako natutuwang anjan ka at nandito ako. Ang tagal magweekend. Gusto na kitang makita. Sinira mo nanaman ang plano ko. Damuho ka! hehe.


Sorry Na - Parokya ni Edgar

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya [sabi mo nga di sadya]
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo [ikaw pa uminit ulo! ay onga pede naman]
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo [weh?]
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na [mismo!]
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo [in fairness nagpapatalo ka na ng onte]
At parang sirang tambutso na hindi humihinto [vrrooom! namiss ko yun]
Sorry na talaga kung ako’y medyo tanga [ :( ]
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit [ikaw e!]
Sorry na talaga sa aking nagawa [pagiisipan ko..]
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo [sabi mo nga e..]
Sorry na [haaay..]

Sorry na wag kang madadala [malapit na]
Alam kong medyo nahihirapan ka [hindi mejo. hirap tlga ako]
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang [ :( ]
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan [o cge gusto ko ng umiyak]

Sorry na saan ka pupunta? [sa pasig, sa bahay ko]
Please naman wag kang mawawala [hindi naman ako nawala, kahit kelan]
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako [weh?]
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko [ayun lang..]

Sorry na talaga kung ako’y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na

Mahal kita sobrang mahal kita [dito ako nabaog]
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba [meron yan..]
Kundi sorry talaga di ko sinasadya [sabagay]
Talagang sobrang mahal kita [mahal na mahal din kita]
Wag kang mawawala [...]
Sorry na [wag mo ng ulitin kase.]

Chito, ikaw masyado ka! ikaw na ang propeta! :(