Nov 28, 2009

Ilang Shat pa?

Last night. I had drinks with Maman, Tony, Aaron. Matador, Redhorse, at Pilsen. Continuation daw ng bday ko. Nabitin sila nun e. sabagay ako din naman bitin nun. LOL Tae. 330am nako umuwi. Edi sige ako na ang lalake. Wala ng humpay ang kakainom. Dahil ba sa ayoko ng idle moment sa ngayon? OO. Ayoko talga. Naiisip lang kita. Napapagod ako isipin ung isa. dahil sa long weekend na to, hindi ko alam kung masaya ako o hindi dahil hindi ikaw ang kasama ko. Tinapos ko na ba ang lahat sa kanya? E pano naman ung sa isa. Magulo naman kase un e. Paparamdam. Pero ganun lang. Ok sasabihin mo, miss moko. Pero iiwan moko sa December. E bakit ganon? I hahang mo lang ako ng ganto. Ngayon pang sinasanay mo nakong anjan ka lagi sa piling ko. Araw araw magkasama tayo. Sabay hihiritan moko sa December wala ka na. Magaaral ka ba ulit o Magtratraining na? Kung dahilan mo, di nako interesado. Ngayon magugulat ka, na tatanggalin ko ang paglalambing mula sa text ko, sa pakikitungo ko sayo, sa kahit ano... Ayoko na muna.. Hindi ka naman din ata apektado. Hihiritan moko kung may masama bakong tinapay sayo? EWAN KO. HINDI KO ALAM ANG SAGOT. Kaya hindi nalang ako nagreply.

Ang lesson jan. Wag kang paparamdam kung wala kang balak na kahit ano. Pero eto ang malupit na totoong totoo...

"Basta may alak, may balak." LOL kay Bri ko nakuha yan. Tawang tawa ako. LOL

So what's up? You haven't send any message mula kaninang umaga. Edi baka ikaw na ang may masamang tinapay saken. Punyeta. Bat kelangang ganyan? Bat ikaw pa. hanep. Alam mong ako ang agrabyado dito kahit sabihin mo pang may O n i e ako. E wala na nga, I am trying to move on. Na punyeta. Ang hirap pala talaga no? Akala ko ikaw ang instrumento para kalimutan ang nakaraan ko. Hindi pala. Hindi ikaw. Nakikisawsaw ka lang ng basta basta. Tiisan ba ang labanan sa bagong larong kinasasangkutan? GORA! ganyanan pala e.

Hala lang ako. kaninang umaga pako online dito. Wala nakong nagawang iba. Pati pagkain na-i-skip ko na. Mamaya may lakad ako. Papainom nanaman pala ako sa mga ibang kabatch ng mga kaibigan ko. Marami nanamang alak. Bubuhos panigurado. Sa sandamakmak na mga barkada ko, bakit pakiramdam ko hello? nagiisa parin ako. Lintek na pagibig yan. Binabadtrip nako masyado.

Mamaya. Sa Central ata kame. Shat shat! Pasahan nanaman ng baso.

Ito na ang pinaka olats na taon for me so far.. Sana naman sa susunod na mga araw, linggo, buwan, at taon... Sana naman.. Hindi na ganto ka-olats ang buhay ko. Wala ka, wala sya. Wala lahat. Ako lang at ako lang kahit ang dami kong kaibigan..