Kung papalarin ka nga naman talaga. Ano bang malaking kasalanan ko sa mundo, bat ganto kahirap ang sitwasyon ko?
Madaming beses ko ng gustong mag-quit. Pero pano sila? Yung bills ko, sino magbabayad nun? Mailalabas ko pa ba ang pamilya ko kung gusgustuhin ko? Ang buhok ko? Mapaparebond ko pa ba, pag unti unti na syang bumalik sa tunay na kulot nya? Maaatim ko bang daan daanan nalang ang starbucks pag uhaw ako sa kape? Sa tuwing may emergency, may mahuhugot pa ba ako?
Kelangan ko lang tanggapin na trabaho nalang ang nagiging rason bakit ako gumigising sa umaga. Teka, haha. Tanga talaga. Sinabi ko na diba, kanina pa? Lahat ng rason bakit ko kelangan gumising at pagpatuloy tong shet na buhay nato. Kase marami nga akong responsibilidad na dapat gampanan, na wala namang aako nyan kundi ako lang.
Tangina mo! magisip isip ka! kung gusto mong magquit sa trabaho. Siguraduhin mong mabibigay mo parin mga luho na sinasanay mo sa katawang lupa mo. Kaya hoy! wag mong abusuhin! Magisip ka! Magmatapang ka kung kinakailangan! Hindi sa lahat ng oras, iintindihin ka ng mga tao sa paligid mo. Hindi sa lahat ng oras, may kaibigan kang anjan para sayo! Kung di ka nga naman talaga isang tanga at kalahati, magmamahal ka narin lang kase, bakit, bakit, bakit ba putangina hindi ko masabi kung anong gusto kong sabihin! Tangina mo ka!
Andami ko nanamang nguyngoy. Andaming pumapasok sa putanginang isip ko. Kelan matatapos to? Sana gabi na. Para matutulog nanaman. Onting luha lang, mapapagod lang naman ako kakahikbi, sabay makakatulog ng di inaasahan. Anjan naman pala si Pong. Tama! kausapin ko nalang ung pamangkin ko, may napapala pakong tunay na kaligayahan. Pero sandaling kaligayahan na hinihiram ko lang.
Sa lahat ng nangyari, wala naman akong sinisising iba kundi sarili ko. Masyado nyo akong minahal. Ano bang putanginang nakita nyo saken, bat sagadsagarang pagmamahal na ako mismo, hindi ko gugustuhing mawala kayo. Ang sakit pag nawala ung kinalakihan mo, kinasanayan mo, ung minahal mo na akala mo e tunay na pagibig na pakiramdam mo imposibleng mawala sa utak at puso mo hanggang sa mamatay ka. O etong, mahal mo siya. Period. Wag ka ng magtanong kung bakit, kase mas gugustuhin ko pang mamatay kung di ko siya makakasama habang buhay. Mas matindi un a? Putangina!
Ang sakit sakit na! Napaka selfish ko no? Ako dapat pinarurusahan sa bwakangshet na ginagawa ko sa inyo pareho. Ilang buwan na ba? Paulit ulit na pakiramdam. Drain na drain nako. Wala kayong idea anong hirap tong nararamdaman ko.
Isa pang tulog, makukuha ko na Iphone ko. Salamat may onteng saya nanaman akong mararamdaman. Malamang sa malamang aabot lang ng 3 minutes ang sayang un. E ako pa ba? E ano namang malay ko sa lecheng gadget na yan. Front lang sa mundo na may pinagkakaabalahan ako. Ayoko na!
Sana andito ka. Kunin mo na ko. Ialis mo nako dito. Umuwi na tayo. Wag na tayo bumalik sa mundo. Putangina! Puro ako kalokohan!
Yung seryoso?
I wish you were here. Iba pag andito ka. Isang sabi lang, halika nga. Mahal na mahal kita. Ang sarap ng pakiramdam. Sana maramdaman ko ulit yan. sana marinig ko ulit yan. Gusto kong makita ka. Ang sakit sakit na.
Oct 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Relaks. haha! pag nakuha mo na yung iphone mo, kahit kalahating araw lang, pagtuunan mo ng pansin yun. Basahin mo ng paulit ulit yung manual. intindihin mo, pati yung espanyol. maiba lang yung iniisip mo kahit saglit lang. hahaha
o kaya, dude, kumain ka ng butong pakwan! pramis, magandang therapy yun. wala kang maiisip habang kumakain ka nun. hehe
o, smile na! :)
kung tama ang iniisip ko i'm sure malalagpasan mo yan. Follow your heart listen to it deeply (tama ba yung deeply basta yun na yun). I hope you find your true happiness dude. Magkape nga tau sometime. Miss you dude. And I wanna be there for you like how you were there for me nung super confusion days ko. Lav yah!:) Smile, God loves you!
Post a Comment