Naisip ko lang, napaka-selfish ko. Mula't simula alam na alam ko kung san mapupunta tong sitwasyon na to. Hindi naman sa plinano ko no. Wala ngang kaplano plano napadpad nalang kame sa gantong scenario. Kung bale ba, go with the flow ang ginawa namin pareho. E kase naman, ako noon--pilit kong plinaplano ang buhay ko noon. Pero patuloy na nakikipagtagisan ng lakas saken ang panahon mismo. Para bang sinasampal nya saken na: hindi ka nga pwedeng sumaya! Yun yun! Wag mong ipilit! TAPOS! Ganun.
Muka bang tanga kung sasabihin ko sa inyo na pakiramdam ko e second life ko na to? Hindi naman ako na-aksidente o ano man. Siguro lang pakiramdam ko kase, mula ng nawala sya, namatay na ang dating ako. So hindi na ako ito.
Mejo pagod nako. Alam ko kayo rin. Hindi nga ako mejo pagod e, pagod na talaga. Mas pagod pa sa nararamdamang pagod ng mga nagOOT na mga kasama ko sa trabaho. Literal siguro.
Tangina naman kase! Pinasok pasok ko to, ngayon di ko alam pano lalabasin tong bwakanginang relasyon ba ang maitatawag dito.
Masaya ako, pero alam kong mali. Mahal ko sya, pero mas mahal ko ung dati. Selfish nga e, sabi ko diba?
Uuwi nako, sabi ko sa kanya. Sabay tanong nya, hindi ka ba dadaan dito pagtapos ng trabaho mo mamaya?
Bakit ba hirap na hirap akong humindi? Bakit ba kahit alam ko na sa lalong pagsasama namin e lalong lumalalim tong pagsasama namin e ayokong mawala sya, pero at the same time gusto kong payagan nya akong bisitahin ung isa dahil sa panghungulilang nararamdaman ko paminsan.
Namumura nya ako. Hindi minsan. Madalas. E sa kakupalan nga naman kase na pinapakita ko, ako mismo mumurahin ko sarili ko. Hindi ko naman masabing sinasadya kong saktan sya, kase mahal ko nga sya, hindi ko sya gustong iwan pag dumating na ung isa. Pero pano ko hihiwalay? Pano hihiwalay kung sa araw araw na pagsasama natin e napapamahal ka na saken ng tuluyan. Na para bang sinisikmura ko ang pagkakamali ng pagkatao mo. Na para bang lahat ng kakulangan mo e, pinupunan ko. Mahal kita, pero mas mahal ko sya. Ang sakit no? Kaya nga tangina!
Natapos nakong maligo. Pumasok sa kwarto, magbibihis na sana. Napansin ko ung telepono kong nasa may bandang inbox, hindi siya nakalock. Shit. Patay. Nakalimutan kong burahin. nagtext ako sa isa dahil gusto kong iparating na miss na miss ko na sya. Natigil ako. Nagisip. Kasalanan ko ba talaga to? Ilang beses na ba akong nakipaghiwalay sa kanya para pakawalan sya, para tuluyan na syang maging malaya sa bahibangang to. Sino ba ang patuloy na sumusuyo? Ako ba? Tiniis kita, ilang araw din un. Pero ayaw mo. Gusto mokong makasama habang buhay sabi mo. Ang habang buhay para saken e sagrado. Kelangan dumaan sa kasalan, kelangan masuot ko ang dream gown ko. Kelangan dumalo ang lahat halos na mga taong pinakamalapit sa puso ko, sa puso mo. Kaya mo bang ibigay un? Hindi gastos ang tinutukoy ko. Di naman ako pinangak nung panahon ng nanay ko, na dapat ang tatay ko lang ang gagastos para sa kasal. Tutulong ako. Pero ang tanong, mapapakasalan mo bako?
Sagot nya, bakit ba nauso un? Kung sa bandang dulo magkakaproblema lang naman pala. Hindi na sana nagpatali noon kung alam ko lang na makikilala kita.
Hindi ganon kadali un. Alam kong magkaiba tayo ng paniniwala at pananaw sa buhay. Mga priorities natin, magkaiba din. Hindi siguro tayo magkakasundo pag nagtagal tagal. So tingin ko, umpisahan na nating lakbayin ang kinabukasan na magkalayo. Tingin ko, dapat ngayon na. Para di ganon kasakit. Para kaya pang indahin kahit papano.
Hindi ko alam a, pero baka bukas, makalawa, sa isang buwan o dalawang buwan pa. Baka lumbas na ung isa. Siya nga kaya? Hindi kaya ako magsisi sa ginagawa kong to? bahala na si batman. Bahala na kung pagbibigyan pakong sumaya ng tadhana sa mga darating na araw. Hindi ko alam kung yayayain akong pakasal neto. Kung ano ano mga balak neto sa mundo. Wala akong alam kase wala nakong balita din. Di ko man sya nakikita, ewan ko kung bakit ganto, pero mahal na mahal ko parin sya. Sana umuwi na sya. Sana.
Sana wag mokong kasuklaman pagumuwi na ung isa. Napagusapan na natin to. Mahal kita ngayon, pero paguwi nun, di ko alam kung san ang lugar mo sa puso ko. mahal kita ngayon, bukas hindi ko alam kung ganto parin nararamdaman ko sayo.
Patawarin moko.
Jun 16, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)