Jul 25, 2008

Sino Sya?

Sino nga ba?

Noon, dati,
nung college palang ako,
madalas ko tong makita.
Makatabi.
Kaso ayoko syang kausapin.
Bakit?

Maangas kase sya,
pinipili nya ang kausap nya.
pumipili rin siguro sya ng kaibigan nya.

Pero teka, baka pakiramdam ko lang un noon.

Nagkayayaang magtong-its.
Sa may Aling Miding's
Ako
Si Karleen,
at saka sino pa?
wala na kameng ibang makakalaro.
Wala ng ibang marunong.
Kundi sya?
OO sya.
S'yang maangas na hindi nagsasalita.
Na tuwing recitation ko lang naririnig ang mahiwagang boses nya.

Aba! magaling pala syang dumiga!
Dumiga at mambluff lang kahit singkwenta pa ang bilang!
Nadali moko 'don boy!
Tinalo moko at nabawasan ang pamasahe ko!
Alas diyes na tayo natapos,
di ko manlang napansin oras,
nagkapikunan dahil sa mamisong tayaan!

Pag naiisip ko ang nakaraan.
Natatawa nalang ako at patulo'y kong binabalikan.

OO naalala na kita.
Ikaw si SHIN CHAN!
Si Carmen ang nanay mo..
At si Andrew E. ang nagda-dub ng boses mo.

Ikaw si bear ng buhay ko.
Niligawan kita,
binasted moko!
I love you sabi ko.
"Thank you lang talaga" ibabanat mo.

Natapos ang college,
Hindi na kita muling nakita.
Nagkatrabaho ako,
kayo, lahat tayo.

Ym ang naging ugat ng muling pagkikita natin.
Tuwing may birthday,
o tamang Friday.
Shot sa Makati.
hanggang mag hating gabi.

Don naisip ko.
Masarap ka naman pala kausap.
Kwela, mukang tanga, magulo, parang adik.
Yan ka pala.
Yan ang tunay na ikaw.

Di mo man madalas nailalabas
ang tunay mong saloobin
Para sa akin, isa kang madamdamin.
hindi mo manlang sinabi sa kanya
na mahal mo na pala sya..
ikaw lang e.
kung saken mo sinabi un..
edi sana..

tayo na!
LOL =))

IKABON! ikaw to! oo!
e pinilit moko gawan ka ng entry e..
o sya! magkita tayo kung kelan mo
ibibigay ang libre ko!

:)

This blog is brought to you by..
http://ikabon.wordpress.com