Ayoko na dito. gusto ko sa ibang lugar kung san, masaya, kuntento at free akong gawin ang gusto ko. Hindi naman sa tipong bargas ako at hindi na magtratrabaho, pero magtratrabaho ako, dahil masaya ako sa work ko. Or dahil, mahal ko ang boss ko, at ginagalang ko sya, or dahil din, love ko ang work ko. or pwede ding, dahil masaya ako sa mga katrabaho ko, at masaya din silang naroroon ako. Ang saya sana kung ganon. Pero hindi e.
Dito sa kung saan ako nagtratrabaho. Hindi ko malayang nagagawa ang mga gusto kong gawin. Mejo may kahigpitan dito. At iniintindi ang output sa pang araw araw. Hindi lang un. Dati walang pakialam sa effort, pero ngayon, bilang na din un. Bawal magbreak ng matagal, bawal malate, bawal madaldal, at bawal nakaslouch sa upuan. Oha! ano pang bawal diba? Hindi naman sa sinusuka ko na tong lugar nato. Aba marami ding naitulong saken to sa apat na taon kong pamamalagi ko dito. Nakapagtapos ako ng utol ko at napakarami kong naitulong sa magulang ko. kaso nga lang, habang tumatagal ako dito, nagiging olats na ata. Minsan hindi ko na kayang sikmurain pa. Pero oo, patuloy nyo paren akong makikitang online sa gabi, kase oo hindi paren ako magreresign dahil kelangan ko to.
Di tulad sa ofis ng kaibigan ko. Hanep lang. Ikaw na tong late papasok, ikaw pa tong maagang nauwi. Diba Jd? pangalan palang ng kumpanya.. masaya ka na e. Go mga taga-Happy! Hehe
Isa pa sa mga kaibigan ko ang napakaswerte sa kanyang trabaho. Pag log in mo, basta nakapag email ka na ng kung ewan ko ba kung ano ung dapat nyang i-email, e pwede ka ng sumibat at shumat kung san man. Kung gusto mong mapadpad sa dian, o sa may makati ave, o sa glorietta para shumat, e ikaw na bahalang dumiskarte dun. Kahit pa ba makaapat kang redhorse, keri lang basta kaya mo bumalik ng opisina. Pag balik, sya pa tong magaaya ng confe! ano pa daw task ang hindi mo magagawa today no? Sige na ikaw na batas jan!
Sabihin na nating bundok yang kinatatayuan ng building nyo, pero ikaw na ang madalas walang task sa pagkabibo mo sa conf araw araw. hehehe. at shempre pa, not to mention, ang kalakihan ng sweldo ng kaibigan kong to. at ikaw na magkaron ng hot na hot na boss. ikaw nanaman ang panalo.
Mangyari lang din na ikaw ang boss sa team nyo, so nde ka obligadong kumota ng bigtime sa output. Ewan ko pano nyo ginagagwa ang mga task nyo. pero goodjob kase katulad kaninang umaga, mejo petiks ka alam ko.
Iilan yan sa mga kaibigan kong nagtratrabaho sa may bandang makati at ortigas. Buti pa sila, masaya at kuntento pa sa kasalukuyang trabaho nila. Ako sawa na. Pero hindi pwedeng humindi kase wala naman akong ibang choice kundi kumota!
Boo!
Jun 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
wow! saya lang ng mga kaibigan mo noh... ako din nga makalipat dun..san ba yun?? -PrinseZita
i object! hindi totoong wala akong tasks! magaling lang mag multi task! lol! wow guilty ba ako? bakit ganon? lol! miss you! mwah mwah
naman minsan lang ang petiks mode sa trabaho lubus lubusin! ay guilty rin ba ko? ako nga ba yun? hahahaha mishumore!
ang mga tao sa likod ng mga DaWho ay sina...
Jd & Chamie
Karleen
Gaze
Aileen
KAYO NA ang winner sa trabaho!
`madam
Post a Comment